Aleluya, Walang Humpay
(Composer: Ferdinand C. Atienza Jr.)
Verse 1
Abot-langit ang himig ng damdamin
Dulot ng pag-ibig Mong inialay sa akin
Abot-langit ang himig ng aking awit
Todo-bigay, walang humpay sa pagsambit
Chorus
Aleluya, ihahayag ang kabutihan Mo Oh Diyos
Aleluya, buong puso, magbubunyi akong lubos
Aleluya, walang humpay ang pagsamba'y iaalay
Aleluya, dakila Ka Oh Yahweh
Verse 2
Pintig ng puso'y maglingkod at manalig
Manangan sa pangako Mong binitawan sa akin
Labis-labis kagalakang 'di malirip
Todo-bigay walang humpay sa pagsambit
rating 0.0 with 0 votes
0 favs