Gantimpala Ko by Musikatha


Song Lyrics


Gantimpala Ko
by Musikatha

Album: Pagsambang Wagas - Live


Intro
Ooh-oh, ooh

Verse 1
Marami ma'ng hadlang sa aking pagsunod
At kadalasa'y napapagod
Hindi papipigil, patuloy na maglilingkod
Tangi kong mithiin, Ikaw ay malugod

Chorus
Buong kagalakan, Ikaw ay aking paglilingkuran
Nahihirapan man, kahit pa nasusugatan
Kasangkapanin Mo
Ikaw ang tunay na may-ari ng buhay na ito
Ano ma'ng danasin ko, basta't Ikaw Hesus
Ikaw ang gantimpala ko

Post-Chorus
(Kagalakan, kagalakan)
(Ikaw ay paglilingkuran)
(Kasangkapanin Mo, kasangkapanin Mo, Ikaw ang may-ari, O Hesus)

Verse 2
Lubusang angkinin ang buhay na laan
Para lamang sa Iyong kaluguran
Hindi man Kita kayang higitan
Laging susubukang ibigay sa 'Yo ang pinakamainam

Chorus
Buong kagalakan Ikaw ay aking paglilingkuran
Nahihirapan man, kahit pa nasusugatan
Kasangkapanin Mo, Ikaw ang tunay na may-ari ng buhay na ito
Ano ma'ng danasin ko basta't Ikaw Hesus
Ikaw ang gantimpala ko

Build-up
Marami mang hadlang sa aking pagsunod
Patuloy na maglilingkod (O Hesus)

Chorus
Ooh-ooh, buong kagalakan Ikaw ay aking paglilingkuran
Nahihirapan man, kahit pa nasusugatan
Kasangkapanin Mo, Ikaw ang tunay na may-ari ng buhay na ito
Ano ma'ng danasin ko basta't Ikaw Hesus
Ikaw ang gantimpala ko

Outro
Kasangkapanin Mo (Kasangkapanin Mo), Ikaw ang tunay na may-ari ng buhay na ito
Ano ma'ng danasin ko basta't Ikaw Hesus
Ang gantimpala ko


Related Video from YouTube



Song Ratings and Comments


rating 0.0 with 0 votes

0 favs

View My Favorites


no comments to show

Related Albums by Musikatha



More Song Lyrics by Musikatha