Bahaghari by POGIM Worship


Song Lyrics


Bahaghari
by POGIM Worship

Album: Bahaghari - Single


Verse 1
Panghahawakan ang mga pangako
Kahit madilim at di tanaw ang dulo
Hinahawi Mong ulap na humaharang
At sa muli'y masisilayan na ang araw

Pre-Chorus
Liwanag na humahaplos
Kumukumpletong lubos
Pagka't walang hihigit sa Iyo
Wala na ngang hihigit sa Iyong

Chorus 1
Kulay at ganda ng bahaghari
Sumasalubong at nananabik
Bagong bukas na Ikaw ang kasama
Pupurihin Ka sa kulay at ganda ng
Bahaghari

Verse 2
Kaligtasang dala ng 'Yong pangako
Arkong sasagip sa laot ng pagsubok
Habang hinihintay pagbabalik Mo
Mananatiling nagpupuri sa Iyo

Pre-Chorus 2
Pagibig Mong dumarampi
Hinding hindi maitatanggi
Pagka't walang hihigit sa Iyo
Wala na ngang hihigit sa Iyo

Bridge
Ibubulong ba sa hangin ang nadarama
Kasiyahan sa pangako Mong walang-hanggan
Pagsisigawan ang papuri at paghanga sa
Bahagharing likha ng Iyong pagmamahal

Pagka't walang hihigit sa Iyo
Wala na ngang hihigit sa Iyong

Chorus 2
Kulay at ganda ng bahaghari
Sumasalubong at nananabik
Bagong bukas na laging kasama
Hesus Ikaw ang nagbibigay

Kulay at ganda sa bahaghari
Sumasalubong at nananabik
Bagong bukas na Ikaw kasama
Pupurihin Ka sa kulay at ganda ng
Bahaghari


Song Ratings and Comments


rating 4.0 with 5 votes

6 favs

View My Favorites


no comments to show

Related Albums by POGIM Worship